Martes, Nobyembre 15, 2016
Repleksyon Tungkol sa "Mensahe ng Butil ng Kape"
Ang akin pong natutunan sa kwentong ito ay ang kung paano haharapin ang mga darating na pagsubok, kung magiging mahina ba? O magiging matatag hanggang huli. Dahil hindi lahat ng tao ay kayang lutasin at lampasan ang pagsubok, hindi lahat ng tao ay pare parehas ang pananampalataya iba-iba tayo ng paraan kung paano lulutasin ang mga hadlang sa buhay. At kung gaano tatagan natin ang ating mga loob.
Para po sa akin magiging matatag ako sa bawat pagsubok na sasalubong sa akin. Haharapin ko ito ng may tapang at malakas ang loob. Hindi ako aasa sa kung ano na lamang posibleng mangyare sa halip ay kikilos ako upang makabangon o malutas ang aking problema. Mas lalakasan ko ang aking pananampalataya dahil ito ang pinaka mabisang sandata o armas sa kahit anong problemang kakaharapin..
Ako ay magiging katulad ng Butil ng Kape na makakapagpabago ng nasa paligid ko sa paraang alam ko at kaya ko, na kung saan hindi ako aasa sa iba.
Buod ng Mensahe ng Butil ng Kape.
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kanyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
Ayon pa sa anak, nararamdam niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararansan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salita sa mga oras na iyon. Hinayaan lamang nila ang mga nakasalang na palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig, Sa unang palayok, pagkatapos ay iniligay ng ama ang carrot, sa pangalawa naman ay mga itlog at sa panghuli ay ang butil ng kape ang inilahok.Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog ay napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. Pagkatapos makita ng anak ang nangyare sa carrot at itlog, pinainum naman sa kanya ng ama ang kape. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa sa dinaanang proseso ng carrot, itlog at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit ibat iba ang naging reaksyon. Ang carrot sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na puti at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob nito ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
"Ngayon, nais kong ikintal sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?" usal ng ama.
"Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina.? O kaya naman ay magigimg tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig. O magiging tulad ng cbutil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig".
"Kung ikaw ay tulad ng butil ng kaper ikaw ba ay magiging matatag sa sa oras ng pagsubok at higit sa lahat ikaw ang magpapabago sa iyong paligid."
"Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?" ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o magsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lilikha ng positibong pagbabago ma dulot ng di magagandang pangyayari?
"Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog o butil ng kape?" tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak kasunod ang tugon..." ako ay magiging butil ng kape katulad mo mahal na ama."
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)