Martes, Nobyembre 15, 2016

Repleksyon Tungkol sa "Mensahe ng Butil ng Kape"

 
    Ang akin pong natutunan sa kwentong ito ay ang kung paano haharapin ang mga darating na pagsubok, kung magiging mahina ba? O magiging matatag hanggang huli. Dahil hindi lahat ng tao ay kayang lutasin at lampasan ang pagsubok, hindi lahat ng tao ay pare parehas ang pananampalataya iba-iba tayo ng paraan kung paano lulutasin ang mga hadlang sa buhay. At kung gaano tatagan natin ang ating mga loob.

     Para po sa akin magiging matatag ako sa bawat pagsubok na sasalubong sa akin. Haharapin ko ito ng may tapang at malakas ang loob. Hindi ako aasa sa kung ano na lamang posibleng mangyare sa halip ay kikilos ako upang makabangon o malutas ang aking problema. Mas lalakasan ko ang aking pananampalataya dahil ito ang pinaka mabisang sandata o armas sa kahit anong problemang kakaharapin..

   Ako ay magiging katulad ng Butil ng Kape na makakapagpabago ng nasa paligid ko sa paraang alam ko at kaya ko, na kung saan hindi ako aasa sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento